Top 7 reasons why people are single
Have you asked yourself “why im single right now?”
Reasons.. reasons… madaming rason kung bakit ka single… at kung ipalilista mo sakin ang mga nakalap kong dahilan ng mga tao kung bakit sila single eh aabutin tayo ng siyam siyam. Madami sa mga reasons na to eh palusot lang.. yung iba naman eh medyo parang totoo.. hehe..
Bakit ka nga ba single ngayon?
7. Dahil naniniwala kang magastos mapasok sa isang relationship. Sus parang bawat event na nangyayari sa buhay nyo eh kailangan icelebrate. Monthsary, Anniversary, Decadesary… date, sine, at anu anu pa. Anak ng kambing naman yun!
6. Pwede ka maki-fling sa iba.. narinig ko to sa tambalang balahura at balasubas. Sabagay totoo nga na kung single ka eh walang magseselos kung nakikipaglandian ka sa ibang tao… thats the word.. “landian”… kaya kung makati ka.. malamang sa malamang eh single ka.. HAHA
5. Dahil mas gusto mo makikilala mo ang sarili mo in terms of interrelationship. Mas magkakaroon ka ng oras sa kaibigan, barkada, at pamilya. Dahil walang magseselos sa iyo dahil kuno “wala kang time para sa kanila”. Ayos yon diba.. hindi ka nasasakal..
4. Because you want to be yourself. Balita ko kasi pag nasa isang relasyon ang isang tao eh malaki ang posibilidad na magbago ang attitude nya. Sabi nga nila eh nagkakaroon ng breeding.. [weh aso?]. Plastic ba kumbaga. Parang ang hinhin hinhin mo pag kasama mo karelasyon mo pero sa totoo balahura pala.. hahaha
3. Ayaw mong tumanggap ng negative comments. Walang magcocomment sayo at maguutos sayong “papayat ka na..” o “bakit ganyan suot mo? masyado namang showy yan!”. Tama tama..
2. Simple.. dahil walang relasyon = walang problema sa puso. Hindi ito yung problemang tipong highblood o heart attack. WALA KA NANG IIYAKAN! Ang problema moy mananatiling problema mo.. at ang problema nya eh mananatiling problema nya. WALA NANG LASINGAN TUWING NAG-AAWAY! Dagdag gastos pa yan.. LOL
1. At syempre ang numero uno kung bakit single ang isang tao eh dahil..WALANG MAGKAMALI. Harap ka sa salamin.. yun ang pangunahing rason..